Kambal sa Tuwina

Ron Dangcalan
1 min readMar 10, 2023

--

May sakit pa pala, ang iyong paglisan.
May laman pa pala, mga batis ng luha.
May bigat pa pala, mga batong yumurak sa dibdib.
May hapdi pa pala, mga asing winasik sa sugat na malalim.

Gumuguhit pa pala iyong mga alaala.
Akala ko lahat ito ay tapos na.
Parang kudyaping tumutugtog sa gabi.
Lungkot na bumabalot sa kaluluwa at isip.

Naalala kita, kaya ang puso’y tumatangis.
Akala ko sa paalam, ang lahat tapos na.
Wala pala.
Bitbit habang buhay sakit ng paglisan.

Ngunit kaakibat ang pasasalamat sa buhay na binigay.
Buhay ang nagpanday ng saya, pagmamahal at pag asa.
Buhay din ang uukit ng sakit, lungkot at pagtangis.

Pwede pala na ang sakit at pasasalamat, maging kambal sa tuwina.
Mula ng iyong sagwanin ang buhay na walang hanggan.
Tangi naming bitbit, sa kabila ng sakit.
Ang isang pangako.
Na may buhay na mas dakila, doon sa kabila.

--

--

Ron Dangcalan

Letting the inner musings of the soul come out in words. I'm an academic writing on disasters, climate change, philosophy, death and dying.