May sakit pa pala, ang iyong paglisan.
May laman pa pala, mga batis ng luha.
May bigat pa pala, mga batong yumurak sa dibdib.
May hapdi pa pala, mga asing winasik sa sugat na malalim. Gumuguhit pa pala iyong mga alaala.
Akala ko lahat ito ay tapos na.
Parang kudyaping tumutugtog sa gabi.
Lungkot na bumabalot sa kaluluwa at isip. Naalala kita, kaya ang puso’y tumatangis.
Akala ko sa paalam, ang lahat tapos na.
Wala pala.
Bitbit habang buhay sakit ng paglisan.